Color Theory Infographic


Color-Theory-Infographic

I admit that even if I am a Fine Arts student, I’m still confused in using colors. Here is a guide for me and for everyone in using and putting colors together. You will learn a lot of things here. So take time to read the infographic. 🙂

Tanging Wika


Isinulat ni: Mary Hazel C. San Juan

Paksa: Wikang Filipino (Kaisa sa Buwan ng Wika)

Tanging Wika

Mary Hazel San Juan (Author)
Ating simulan ang tulang ito

na para sa mga taong lilo

Ipagpapalit ang anumang may halaga

Ultimo ang ating pambansang wika

Sinilang sa perlas ng silanganan

Pagka-pilipino’y sa puso nananalaytay

Wikang Filipino ang kanyang kinalikha’y

Subalit mukhang ito’y kinalimutan

Bansa’y sinagip mula sa mga dayuhan

Di mabilang ang mga nagbuwis ng buhay

Upang magapi ang mga nanahan

Na kumitil ng maraming buhay

Tila nakapiit sa sariling bayan

Ang mga Pilipinong walang malay

Mga naglakas loob ay nangamatay

Para makamtan ang kalayaan

H’wag limutin ang mga bayaning

Kadakilaa’y di matatawaran

Ating suklian ang mga pasaning

Pagsubok nilang tinawiran

O aking mga kababayan

Dito ‘man o saan ‘man

Palawakin ang kaalaman

Ukol sa sarili nating bayan

Iwaksi ang kolonyal na mentalidad

At tangkilikin ang sariling atin

Wika nati’y patuloy na sambitin

Pagyamanin at bigyang dignidad

“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika,

ay higit pa sa hayop at malansang isda.”

-Gat Jose Rizal